Inquirer Super

Bea Alonzo and John Lloyd Cruz’s IG Live conversation is the Popoy and Basha sequel we needed

By Pam Pastor
04/28/20 3:24 AM

Bea Alonzo and John Lloyd Cruz‘s IG Live conversation is the Popoy and Basha sequel we needed. And it’s not all kilig (although there’s plenty of it). The two, whose love team has brought us unforgettable films like “One More Chance,” talked about their closeness, John Lloyd’s son Elias, the crazy world we’re living in, donor fatigue, the role of the government in this pandemic, the actors’ previous projects, their identities and their role in each other’s lives.

It started with Bea going live on her Instagram account to share the recipe of the bagoong rice that she cooked for front-liners. Bea’s I Am Hope Organization has been busy with relief operations during the pandemic.

She found talking alone in her room strange though. “I really want to talk to somebody,” she said, trying but failing to add people to the conversation.

“Please somebody talk to me, kakausapin ko na yung wall. Charot,” she said.

Eventually, she found someone to talk to: John Lloyd. Bea started laughing when he showed up on her screen. The people watching the broadcast were thrilled. Fans of their love team have been shipping the duo for years, hoping that their blockbuster tales of romance would go from reel to real.

Close

John Lloyd:Ba’t ka tawang-tawa?”

Bea:Ba’t ka sumali dito?

John Lloyd: Bawal?

Bea:‘Di naman. Marunong ka pala nito, mas marunong ka pa kaysa sa’kin.

John Lloyd: Marami kang hindi alam sa’kin.” 

Bea: “Wow, tulad ng?”

John Lloyd: Ba’t ko sasabihin, close ba tayo? Di naman tayo close.” 

Bea: “Cebu ka no? Layo mo pero tayo close tayo.” 

To prove that they’re close, Bea challenged John Lloyd to ask her anything about him, confident that she can answer all the questions correctly. And she did.

John Lloyd: “Favorite ulam?”

Bea:Kilawing puso.

Tama. Kilawing puso ng mga ex ko,” John Lloyd said, making Bea laugh.

Bea knew too when John Lloyd’s the happiest (when he’s with his son Elias) and when he’s the saddest (when he’s alone).

Truth bombs

Parang mag-isa ako ngayon eh,” John Lloyd said, starting a serious and intense conversation about the world we’re living in now and dropping truth bombs left and right.

John Lloyd:Hindi ako mag-isa pero parang mag-isa. Alam mo yun… ewan. Alam ko nakakausap kita, minsan nakakausap ko rin mga kaibigan ko. Pero iba pa rin eh. Parang may pag-iisa pa rin eh, alam mo yun. Parang ito yata yung pinakamalungkot na uri ng pag-iisa. Yung tipong napapalibutan ka naman ng ibang tao pero di mo lang alam, di mo lang masabi san nanggagaling yung pakiramdam na nagsasabing mag-isa ka pa rin… Yung alam mong dapat masaya ka kasi okay ka naman, maswerte ka, may bahay ka… nakakakain ka ng higit sa dapat kahit nasa lockdown ka. Nakakapag-internet ka. So di ba dapat masaya ka na. Dapat nagpapasalamat ka na lang, natututo lang makuntento anong meron ka, nasan ka. Kasi p*cha yung iba nga wala nang makain eh, yung iba namamatay na, ako okay naman, maswerte na. Pero hindi lang talaga masabi kung saan nanggagaling bakit meron kang ganitong nararamdaman. Ang sama eh no? Parang sarili ko lang iniisip ko.

Bea: “Hindi. Hindi naman. Try mo pa rin maging masaya kahit na para kay Elias lang.”

John Lloyd:Alam mo sa totoo lang, nalulungkot ako para sa anak ko. Actually hindi, hindi lungkot eh. Mas takot. Natatakot ako para kay Elias. Natatakot ako kung pa’no ko siya palalakahin sa ganitong mundo, natatakot ako na dito ko siya palalakihin sa ganitong estado ng mundo. Iba na yung mundong ginagalawan natin, Bey, eh. Iba, ibang-iba na. Nakakatakot eh. Ang bilis nang mamatay ngayon, ang bills nang pumatay. Kaya iniisip ko, matatawag ba talaga nating maswerte yung mga sarili natin habang yung iba, yung hindi maswerte, nababaril ng ganun-ganun na lang sa kalye, namamatay na lang nang walang kalaban-laban dahil sa sakit? Ako nahihirapan akong sabihing swerte ako. Nakakahiya. Nakakahiya na maswerte ka. Wala ka namang magawa.

Bea:Ano ka ba. Alam mo feeling mo lang wala kang magagawa. Pero sa totoo lang, marami tayong pwedeng gawin, tayong mga maswerte.

John Lloyd:Alam mo, yan din ang tanong ko eh. Maswerte ba talaga tayo? Iisang mundo lang tayo, iisang bansa lang tayo. Kung ano yung nangyayari sa kanila, nangyayari rin sa’tin, nangyayari rin sa anak ko. Ako wala akong choice kasi dito ko kailangan palakihin yung anak ko sa ganitong estado ng mundo… di ko alam kung maswerte pa rin tawag dun?”

Privilege

Bea:Maswerte. Swerte pa din. Dun nag-uumpisa yun eh, kapag alam mo na privileged ka. Pero yung question is, what do you do with that privilege?”

John Lloyd:Kamusta yung huling relief ops mo?”

Bea: “Okay naman. Actually ang daming nagdo-donate, nakakatuwa. Yun naman yung importante di ba, kung may sobra ka, willing ka magbigay para dun sa kulang.” 

John Lloyd: “’Di kayo napapagod?

Bea: “Hmm? What do you mean?”

John Lloyd:Kasi lagi mong ginagawa yan di ba. Magluluto, magpa-pack, magbibigay, magpapakain tapos sa susunod ulit magluluto, magpa-pack, magbibigay.” 

Bea:Hindi naman. Actually totoo naman, parang hindi mo nararamdaman yung pagod. Walang echos, to too… hindi mo nafi-feel eh. Ewan ko ah. Syempre may volunteers kami, sila yung nagdadala ng donation. Kapag nakakatanggap ako ng videos or pictures, makikita mo yung mga recipients, ang gaganda ng ngiti, iba yung pasasalamat… kala mo naman pang one month or one year yung binigay namin… iba yung pasasalamat nila.

John Lloyd: Pero, Bey, papano pag wala na sila sa schedule niyo?” 

Bea:May magpo-provide… Kami. Tutulong kami hangga’t kaya namin tumulong, syempre.” 

John Lloyd:Pero ‘pag hindi niyo na kaya?

Bea: May magpo-provide nga, hindi man kami, may magpo-provide.”

Optimism

John Lloyd: Sino?

Bea: “Are you questioning my optimism?”

John Lloyd: Tinatanong ko lang. Please don’t get me wrong ha. Yung ginagawa niyo, yung selflessness niyo na yan, yung appreciation ko dyan is beyond words, maniwala ka. Pero hindi lang mawala sa isip ko yung posibleng false hopes na kalakip ng mga pagkain na binibigay niyo.” 

Bea:Grabe.

John Lloyd:Kasi, Bey, hindi naman siya sustainable eh. Maiiwan yung tao na umaasa na bukas may magluluto, magpa-pack, magbibigay, magpapakain. Ang tanong nga, pano kung wala?”

Bea:Ano yun, parang ako na yung tumutulong ako pa yung nakakaasama, ganun?

John Lloyd: Hindi ko sinasabing masama tumulong. Yung nga yung pinupunto ko.

Bea: Eh parang ganun kasi yung sinasabi mo.” 

John Lloyd:Ang sinasabi ko lang dapat tulong lang siya. ‘Di ba? Yun nga yung point eh. Tulong lang dapat. Dagdag. Kasi dapat may ibang bahala diyan, ‘di ba?. Hindi naman pe-pwedeng aasa na lang lagi sa kabutihan ng kapwa, ‘di ba? Dapat merong nanggagaling sa taas, sa kinauukulan.”

Bea:Kaya nga, yun nga yung sinasabi ko, Idan, habang wala pa, habang naghihintay, tumulong na yung pwedeng tumulong. Yun nga.” 

John Lloyd:Ilang linggo na kasi eh, ‘di ba. Parang sobrang tagal na nilang naghihintay, Bey.”

Pessimistic

Bea:Ganyan ka na ka-pessimistic, totoo? Ganyan ka na?

John Lloyd: “I’m just trying to manage my optimism.”

Bea:Hindi, totoo naman. Tama ka naman, o isang meal lang yung binibigay namin. It may not matter to you but I assure you it matters to that person na naitawid namin yung gutom kahit isang araw lang.” 

John Lloyd:Yun yung nakakalungkot. Yung gutom kasi, Bey, kayang mapunan eh. ‘Di ba, pag gutom, pagkain nakakaalis niyan. ‘Pag uhaw, tubig. Pano ‘pag hindi na lang gutom, pano ‘pag takot na? ‘Pag malungkot na? Pano pag galit na? Yang mga yan hindi kaya tanggalin ng pagkain, di ba? Di kaya tanggalin ng tubig, ng relief ops, lagpas na yan sa pisikal eh. Paano pag yung loob na yung nagugutom? Pano pag kaluluwa na yung walang-wala na? Yun ang nakakatakot. Gutom na nga ang tiyan, gutom pa pati kaluluwa.”

Bea:Kaya nga ‘wag na paabutin dun.” 

John Lloyd:Eh pano nga?” 

And just before the tension made us keel over, the two lightened the mood and brought back the kilig.

Bea:Nag-away ba tayo?

John Lloyd: “OA.” 

Bea: Ha?

John Lloyd: Ang hilig mo maglagay ng label sa lahat ng… Hindi tayo nag-aaway, nagdidiskusyon lang… Alam mo pag 18 years na kayong magkakilala kahit magdiskusyon kayo ng mataas ng boses o hindi, tingin ko okay lang naman siguro yun.” 

‘Magkaibigan?’

Bea:Magkakilala?

John Lloyd:Anong gusto mo? Magkaibigan.

Bea:Magkaibigan.

John Lloyd:Anong gusto mo, magkaibigan o mag…?”

Bea:Grabe, magkaibigan, 13 years old pa lang ako, kay tagal kang hinintay. Sh*t, grabe.

John Lloyd: “Thirteen ka pa lang naghihintay ka na? Talaga?

Bea:Tanga! Soap natin, ‘Kay Tagal Kang Hinintay.’ Feeling!” 

 

And then they started quoting lines from their previous projects, making each other laugh. 

Eventually, John Lloyd said, “Nandun ka nung nagmahal ako, nandun ka nung nasaktan ako, nandun ka nung wala akong matakbuhan, nandun ka nung kailangan ko ng kaibigan, nandun ka nung kailangan ko ng kausap. Pag binabalikan ko lahat nang yan, minsan di ko na alam kung ano pa tayo eh, kung sino tayo, pero okay lang kasi ang mahalaga yung nandun ka. Sapat na ‘yun.

Bea:Anong movie yan?

John Lloyd:Wala, gusto ko lang sabihin.” 

At one point, John Lloyd brought out his guitar and started singing “You Are My Sunshine.”

“I love that song,” Bea said, singing along with him.

It was a beautiful moment that had fans freaking out.

Eventually, John Lloyd had to say goodbye because it was time to put Elias to bed.

Na-miss kita,” Bea said.

Nami-miss kita,” he replied. “See you when I see you.”

Dimples Romana (echoing all of us) reacted to the IG Live by posting a video of herself on Instagram: “Hoy Basha at Popoy, anong iniisip niyo? Bakit ganyan kayo? Nananahimik ang mga puso namin!” 

Real?


Bea and John Lloyd had started trending on Twitter even before their conversation was over. In the middle of watching it, we started thinking, “Is this real? How are we watching this? It’s too good to be real.”

Then we remembered that we saw director Dan Villegas joining the broadcast early on, before John Lloyd made his appearance. We sent a message to filmmaker Antoinette Jadaone (the brilliant writer and director behind “That Thing Called Tadhana” who is engaged to Dan) and asked if what we were watching on IG Live was actually her movie. (We’ve been fans of Tonet for a long time and the conversation sounds like something she would write.)

While waiting for her reply, we decided to check Bea and John Lloyd’s Instagram accounts and we spotted this. John Lloyd had tagged Tonet and Bea in the post.

So it looks like that beautiful Instagram Live conversation was scripted. It was an absolute work of art—that mix of romance and reality, kilig and social commentary. Bea and John Lloyd let us all watch as they blurred the lines of fiction and fact and it was a gift. But we’d like to believe there’s a little more truth in this fantasy. Our battered hearts need it, just like we needed this Popoy and Basha moment.